The Sipit Love Story

We found love in a hopeless place right? So the story below is a very unusual story about a girl and a boy hanging in a tenter (Sampayan in Tagalog). 

Let's just name the lovers Shing and Julius. The ever sweet lovers.

THE LOVERS: Shing (Orange Clip) and Julius (Maroon Clip)

Shing and Julius were together for over three years now. They promise to love each other till death separate them apart. One day, Shing met Rodney (Gray clip). Equally handsome as Julius but more mature about everything. Shing and Rodney became friends and in a short period of time, something blossomed between them. An unexpected love.


THIRD PARTY

Few more months and so Shing finally felt love over Rodney. She thinks Rodney is the right guy for her. So she finally confronted Julius and tell her the truth. And so Julius, was devastated and broken. He decided to let her go as she wanted Shing to be happy. He was crying over the lost of her beloved Shing but beyond the hurt he was curious about this guy Rodney. He's wondering what are the qualities that Rodney have that he don't have. He want Shing back and so he befriended Rodney thinking that he can get the love of his life back.



TORN BETWEEN TWO LOVERS

Shing, saw the effort of Julius and was so impressed by the actions and the sacrifices just to win her back. Shing felt bad about what she did to Julius. Shing felt the love she felt before with Julius, but at the same time have the same feeling and love over Rodney. Shing needs to decide whether to renew the love for Julius, her lover for 6 years, or to be with this handsome yet mysterious guy Rodney, whom she just barely knew.


 I LOVE YOU... GOODBYE

Shing, decided to be with Rodney and experience a different kind of love to the man she just knew. Julius on the other hand just looked at them, on the other side of the tenter, jealous and hurting. He doesn't know what to do. His jealous over something and he felt there is something wrong about whats going on between them. He knew there is something wrong... with him and how he feels. He has this mysterious and weird feeling about Rodney.

Then one day... Julius talked to Rodney. 

THE CONFESSION

Rodney broke in tears in front of Shing...

Shing on the other hand was confused about whats happening. Then right in front of her is Julius and Rodney holding each others hand telling her that they love each other and just realized after what happened to their relationship.

So Shing was left alone and hurting.

In the Midst of the Storm



Weeping may tarry for the night, but joy comes with the morning. - Psalm 30:5

Our country faced another very difficult situation. We were again flooded and some of our Kababayans were affected by this unfortunate event. Despite the wrath of Maring washed out the things we build, our houses and some of us lost our loved ones yet we stand still and remain faithful to the one who sits on the throne, GOD. 

I remember the song by Bob Fitts, entitled You are so Faithful that says:

In the midst of the storm
Through the wind and the wave
You'll still be faithful
When the sun refuse to shine and the time is no more
You'll still be faithfull
You'll still be faithfull, Lord.

I believe that everything happens for a reason. And I also believe that if something has been taken from us, greater things will be given. 

I may not be able to help those who are in need during this tragic moment but by prayers and petition and solemn supplication, I am able to help them by God's grace and mercy. 

We are a survivor and we always win, every step of the way. We keep on fighting until victory is ours. We never quit because we are winners. And we always find time to smile  even on the hardest situations, its our way of making things light and easy. Maybe that's the reason why I believe that "It's More Fun in the Philippines."

Be reminded that there is someone greater than the things we see and feel. That someone will surely never let us down. And that someone is God.

Some may trust in horses, some may trust is chariots BUT we will trust in the name of our GOD.

God bless good people!

Left Behind



Bitbit ni Andrea ang basang tuwalya at batya na may maligamgam na tubig. Inabot niya ito kay Noel. Piniga ni Noel ang tuwalya at pinahid sa noo at mukha ni Claire. Palaisipan pa rin kay Andrea kung sino si Claire sa buhay ni Noel. Nilinis ni Noel ang dumi at tuyong dugo sa mukha ni Claire. Maganda si Claire. May pagka mestisa siya. May luha sa mga mata ni Noel habang nakatitig sa tulog na Claire. 

"Noel?" Ang tanong ni Andrea. 

"Halos isang taon ko siyang hinanap. Ang buong akala ko patay na siya. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang nawala nang walang paliwanag.
"Noel, anong ugnayan meron kayo ni Claire?" Ang matapang na tanong ni Andrea. 

"Si Claire ay... siya ang... kasintahan ko."

"Huh!?"..Pano nangyari...?

"Andrea, hayaan mo muna ako magpaliwanag. Mahirap din sa akin ito. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya sa ganitong sitwasyon." 

"Sige ipaliwanag mo Noel. Ipaintindi mo sa akin ang lahat. Handa akong makinig sayo. We have all the time in the world." 

"Isa si Claire sa mga napili na sumama sa isang pagsaliksik ng bagong pamamaraan sa paggamot ng isang sakit na nagsimula sa bansang Africa. Dalubhasa si Claire sa agham ng isip, kaya napasama siya sa grupo ng mga Doktor at Siyentipiko na pumunta pa sa bansang iyon. Habang nasa Africa siya ay patuloy ang komunikasyon naming dalawa. Hanggang isang araw, nabanggit niya na na-assign sila sa isang liblib na lugar. Dahil sa mahirap ang koneksiyon ng internet ay baka daw mahirapan siyang makipag komunikasyon sa akin. Matapos nun ay dalawang beses sa isang buwan na lang ang paguusap namin hanggang sa isang araw wala na akong narinig sa kanya." Pagsaad ni Noel.

"Pitong buwan ang lumipas wala pa rin akong narinig na balita galing sa kanya. No emails... no calls..." Pagpatuloy ni Noel.

"Hanggang isang araw nakatanggap ako ng sulat galing sa kanya. Nabanggit niya sa sulat ang mga ginawa nila doon sa Africa, ang mga nangyari sa kanila, ang pag-asa na sana magkasama kaming dalawa, ang pag gunita niya sa mga araw na andito pa siya. Malungkot ang kanyang liham at tila ba nagpapaalam siya. Saad din sa sulat na iyon ang isang balitang matagal ko nang kinatatakutan. Isang balitang hindi ko kinayang tanggapin." Saad niya.

"Anong balita yun Noel?" Pag usisa ni Andrea.

"Balita na hindi na siya makakabalik sa bansa at kailangan kalimutan ko na siya, tanggapin na kahit kailan ay hindi na kami magkakabalikan pa." Malungkot na saad ni Noel.

"Andito na siya at magkasama kayo. Magiging masaya din kayo." Dugtong ni Andrea.

"Pano kami magiging masaya kung ganito ang nangyayari sa mundo. Wala nang pag-asang lumigaya sa kalagayan natin Andrea. Mamamatay tayong puno ng takot at balot ng kaba. Kaya kung sino man ang may kasalanan sa dilubyong ito ay sana nakamtan nila ang kanilang gusto. Kung malaman ko kung sino ang may dahilan ng pangyayaring ito ay hindi ko mapapatawad." Galit na saad ni Noel.

Hindi napigilan ni Andrea na yakapin si Noel para pagaanin ang loob nito. 

"Noel..." Bulong ni Andrea habang mahigpit na niyayakap si Noel.

Naghahati ang damdamin ni Noel. Nalilito sa kanyang nararamdaman. Ginantihan niya ng yakap si Andrea ngunit ang kanyang mga mata ay nakatitig sa natutulog na si Claire. Napansin ni Noel ang paghikbi ni Andrea. 

"Bakit ka umiiyak, Andrea?" Malungkot sa tanong ni Noel.

"Umiiyak ako dahil masaya ako. Masaya dahil nagbalik na ang mahal mo. Ngayon may dahilan ka na para mabuhay. May rason kana na harapin ang bawat bukas dahil kasama mo na siya." Patuloy na pag iyak ni Andrea.

"Andrea, hindi kita iiwanan. Kasama ka namin na harapin ang bawat bukas." Pangako ni Noel.

"Hindi ganun kadali Noel." Pagtutol ni Andrea.

"Bakit?"

"Dahil sa bawat minuto na iniisip ko na mawawala ka sa akin, ay bawat minuto ding pinapatay at dinudurog ang puso ko. Noel, aaminin ko sayo na..."

Bago pa magpatuloy si Andrea sa kanya sinasabi ay nagisi si Claire...

"Noel?" Pagtawag ni Claire.

"Claire, andito ako. Kamusta na ang pakiramdam mo?"

"Ayos lang ako. Wag ka magalala sa akin. Wala nang oras kailangan niyo na umalis dito. Maghanap kayo ng matataguan. Magtago kayo sa lugar na maliwanag. Lugar na nasisikatan ng araw. Lumayo kayo sa mga madidilim na lugar." Mabilis na pagsasalita ni Claire.

"Claire, anong ibig mong sabihin? Bakit mo sinasabi sa amin ang mga yan?" Pagusisa ni Noel.

"Wala nang oras. Kailangan niyo na umalis." Pagsigaw ni Claire.

"Ngunit Claire, di kita pwede iwanan dito. Tama na yung nagkalayo tayo minsan. Ayaw ko na malayo ulit sayo." 

"Noel, iwanan mo na ako dito. Kung mahal mo ako palayain mo na ako. Mas magiging masaya ka na wala ako, na malayo sa akin. Masasaktan ka lang kung kasama mo ako. Kaya please umalis na kayo." Pagmamakaawa ni Claire.

"Claire... Bakit mo ako tinutulak palayo sayo."

"Noel, mahal na mahal kita ngunit hanggang dito na lang tayo." Saad ni Claire.

"Andrea, pakitali ako sa kama. Itali mo ang kamay at paa ko bilis." 

Nalilito si Andrea sa mga sinasabi ni Claire, ngunit kailangan niya gawin. Pinigilan siya ng galit na si Noel...

"Noel, hayaan mo na ako. Wala nang oras." Pagmamakaawa ni Claire.

"Noel, kapag di niyo ako itatali ilang oras mula ngayon ay magiging kagaya nila ako. Magiging walang saysay ay lahat ng ito. Kailangan mo gawin para sa inyo ni Adrea at sa ibang tao na nagtatago dahil sa takot." Pagpatuloy ni Claire.

"Bakit? Paano?"

Inabot ni Claire ang isang maliit na bag na nakatago sa aparador. Laman nito ay isang tape recorder, isang medisina at isang liham na para kayNoel. 

"Kung gusto mo magkaroon ng kasagutan sa mga tanong mo, pakinggan mo ang tape recorder na yan. Naglalaman yan ng lahat ng mga nangyari sa amin sa Africa at sa kung ano angpinagmulan ng dilubyong ito." Saad ni Claire.

"At Noel, basahin mo ang liham na ito. Dapat sana ay ipapadala ko sayo ito ngunit walang pagkakataon dahil sa mga nangyari sa amin." Malungkot sa saad ni Claire.

"Claire, pano ka magiging gaya nila? Hindi ko maintindihan." Nalilitong tanong niNoel.

"Simple lang, wag niyo hayaang magkaroon kayo ng sugat sa kahit saang parte sa inyong katawan. Isang chemical virus ang nagkalat sa hangin na maaring ikakontamina ng inyong cells. Kapag napasok ng virus na ito ang inyong katawan sa papamagitan ng sugat, magiging kagaya nila kayo." Paliwanag ni Claire.

"Ibig sabihin nito ay may sugat ka? Saan ang sugat mo baka maari pang gamutin." Pagpipilit ni Noel.

"Noel, please hayaan mo na ako. Humanap ka na nang pantali sa kabilang kwarto. Please..." Pagmamakaawa ni Noel. 

Walang nagawa si Noel kundi sundin ang gustong mangyari ni Claire. Habang naghahanap ng pantali si Noel ay kinausap ni Claire si Andrea.

"Andrea, wag mong pabayaan si Noel. Alam ko na may gusto ka sa kanya. Narinig ko ang usapan niyo kanina. Alam ko na mahal mo siya."

"Claire..." Pag singit ni Andrea.

"Wag kang magalala, naintindihan ko. Mahal na mahal ko siya ng buong buhay ko ngunit hanggang dito na lang kami Andrea. Alagaan mo siya at mahalin ng tapat. Mas maayos na din ang ganito. Alam ko magiging masaya kayo. Im giving you my blessing and prayers." Naiiyak na saad ni Claire.

"May isang hiling ako Andrea. Sana ay sa atin na lang muna ito. Ipangako mo na gagawin mo lahat ng sasabihin ko." 

"Ano yun?" 

Ibinulong ni Claire ang mga sinabi niya kay Andrea nang naabutan sila ni Noel. Niyakap ni Andrea ng mahigpit si Claire habang umiiyak ito at ganun din si Claire kay Andrea. Lumapit si Noel sa kanila at sabay na niyakap ang dalawa. 

"Sige na bago umalis na kayo habang may oras pa. Itali niyo ang kamay at paa ko at siguraduhing hindi ako makakawala. Bilis.." Pagutos ni Claire.

Itinali nina Noel at Andrea si Claire ng mahigpit. Matapos nito at niyakap at hinalikan ni Noel si Claire para magpaalam. Humagulgol sa pagiyak si Noel dahil sa ayaw niyang iwanan si Claire. Ilang minuto pa ay nagiba na ang itsura at boses ni Claire.

"Umalis na kayooo!" Sigaw ni Claire.

Habang palabas sila ng kwarto at may mga Taong Gala na din nakaharang sa labas. Kaya minabuti nilang umakyat sa kisame para doon dumaan. Sa bawat kwarto na kanilang madaanan ay may mga Taong Gala na nakaabang. Mainit...masikip... Hirap sila sa paghinga ngunit patuloy sila sa pag gapang...Nang biglang bumagsak ang pinapatungan nila.

Bumagsak silang dalawa sa magkahiwalay na kwarto at tuluyan nang nawalan ng malay...


ITUTULOY...

The Ride



Do you know where you are going?

I always asked myself that question but I cannot find an answer. I see myself going in  a different directions for so many years. One road directs me to become ambitious, so focus and self centered while the other, me as a free-spirited human being, one who is happy-go-lucky, never care about what tomorrow brings. 

Funny as it may sound but choosing the right road to travel is a tough one. We do not know if the road we will choose will lead us into someone that we want to be or will give us what we are looking for. We do not know what lies ahead. All we know is that feeling of assurance that what we choose is the right one for us. And so, we travel that road. And we start to hope that our journey to that road will reach our destination.

But you know what, who cares about the destination. What matters is the journey and the joy and fun while traveling. That will make us a better person. The stumbling blocks, road blocks, and the dirty path will make us a better person. That will make the ride more enjoyable.

After all... its not the destination that matters, its the ride.

So, which road do you think I chose?

Byahe



Lugmok sa hapis na karagatan
Hila-hila sa kailaliman ng karukhaan
Isang barkong lulan ang pag-asa na maasahan
Byahe ay palayo sa buhay na kinasadlakan

Inabot ang kamay ng kapitang sakay
Maamo ang mukha at may kapayapaang taglay
Batid ko ang kanyang pagkadalisay
Pagtitiwala at pag-asa ay muling nabuhay

Sumalipadpad sa karagatang walang katiyakan
Ngunit pag-asa ay naramdaman
Pasasalamat at kaluwalhatian
Sayo lamang ilalaan

Domino Effect



Alam mo yung nadamay ka lang dahil sa palpak na nagawa ng ibang tao.

Yung nadali ka dahil sa may maling ginawa ang kasama mo sa trabaho. Pak one pak ol.

Yung hindi ka naman talaga dapat kasama sa pagagalitan, pero since pinagalitan yung isang ka-team mo. Pinagalitan na din kayong lahat.

Alam mo yung isang tao lang ang dapat makarinig ng masasakit na salita pero nakadinig ka pa din ng masasakit na salita dahil nasa isang room lang kayo, at para hindi rin masyadong obvious na siya lang ang pinaparinggan.

Yung  dapat may overtime sana kayong lahat, pero since yung isang kasama mo eh ang lakas mag-OT pero wala namang ginagawang trabaho. Walang output. Damay ka sa policy na hindi pwedeng mag-OT nang hindi nagpapaalam kahit dati walang paalam na nangyayari. Wasak ang kumikitang kabuhayan.

Alam mo yung, hindi ka dapat kasama sa nahold-up pero since nakasakay ka din sa jeep na hinohold-up, eh damay ka na.

Yung isang kasamahan mo sa trabaho naiinis at nagagalit sa boss mo. At the end of the day, galit ka na din sa boss mo kahit wala ka naman dapat ikagalit. Tapos na share mo na din sa ibang tao sa paligit mo ang galit mo kaya pati sila galit na din kahit hindi nila nila kilala yung kinaiinisan mo.

Yung sobrang down mo tapos nag share ka ng mga problema sa kaibigan mo, tapos biglang down na din pakiramdam niya. At dahil mahilig ka mag share ng problema sa mga friends mo pati friends mo down na din dahil mahal ka nila at dinadamayan ka sa iyong kalungkutan.

Yung tipong hindi naman talaga bawal mag power nap sa opisina niyo pero dahil sa sobrang lakas humilik ng kasama mong natutulog ay ipinagbabawal na ang pag power nap sa station niyo.

Yung kapag masaya ka, tapos yung mga taong nakapaligid sayo ay masaya na din kahit may problema silang iniinda.

Maaring nadamay ka lang sa isang pangyayari o nasangkot ka sa isang sitwasyon na hindi ka naman talaga dapat involve. Domino effect ngang matatawag. Ngunit maaring umiwas at maaring hindi ka pwede ma involve. Maaring kahit natamaan ka ng at nadamay sa isang sitwasyon na hindi maganda, nasa sayo pa din kung pano mo gawing positibo ang lahat ng bagay. Ikaw at ako pa rin ang may hawak sa kung ano ang maaring mangyari sa hinaharap. Maari mo pa ring baguhin ang nangyari sa kasalukuyan.

Ika nga binigyan tayo ng free will, gamitin natin ito.

Eh kung yung jowa/asawa/partner mo hindi maswerte sa itsura, masasabi mo pa din bang domino effect kapag naging kamukha mo na siya? Sabi nga nila diba na kapag lagi mo kasama nagiging kamukha mo na.

Domino effect din ba?

Bahala ka na...

Persona




Hey Guys!

It's been a while since my  last update. Honestly, I really dont know what to do with this blog. I have so many things in mind, like what I really want to write about but everytime I hit the keyboard, everything just go away and ideas easily slipped. I have a lot of stories I wanted to write but suddenly got lost interest in finishing it. I have so many poems to share but felt that it doesnt even reflect me as a person. Like right now, my mind is uneasy. Unfocus. Undecided.

For the nth time, I'm planning to delete this blog because I don't see any reasons why should I keep one . It could give a lot of space in blogosphere for people who can really write. People who are more qualified to write and had the license to write.

Mine is just jibberish...

Before, I tend to write something that inspires people. I like writing stuff that will give them hope, encouragement and strength. But i realized, how can I write something that I myself can't do. I need to be a good example. I want to be that person that people look up to. I don't want to pretend or like put a mask and tell people that my life is always happy, and good and enjoying every bit of it. I also failed and I acknowledge it.

I remember in my Psychology class in college, we tend to discussed about how we present to the world. Psychologist Carl Jung called it Persona, which derived from a Latin word literally means "mask".  It is not a literal mask, however. The persona represents all of the different social masks that we wear among different groups and situations. It acts to shield the ego from negative images. (paki connect na lang... lol)

Well, I am wearing a mask every single day. And even in this blog I wear a mask. It's not the real me.

My point is, I want to write something that reflects who I am. Maybe finding my niche would help. I am a personal blogger as I am claiming it. But I wanted more. I want something else.

So where do I start? What do you think?

Jesus Take The Wheel



Habang nasa byahe ako kaninang umaga papuntang work, bahagyang uminit ang ulo ko dahil sa sobrang traffic ng kalsadang dinadaanan ko. Halos dalawang oras ang byahe ko papasok sa work na kung tutuusin ay nasa 30 minutes lang ang byahe. Pero kaninang umaga, kakaiba! Hindi ko alam kung anong meron pero sobrang traffic talaga.

Isang oras na ang nakalipas sa byahe eh medyo nagagalit na ang ibang pasahero na kasabayan ko. Pati ang driver mismo ng jeep ay galit na din. Pinipigilan kung magalit kasi kapag nagalit ako, alam ko na buong araw na akong galit. Kaya hanggat maari ay ayaw kung magalit. Sinuot ko ang earpiece at nagpatugtog na lang para kalmado pa rin ako.

Music play....

Akmang-akma ang musika na napakinggan ko... "Jesus Take the Wheel" ni Carrie Underwood.

Naisip ko na sana si Jesus na lang ang nasa manibela, Im sure mabilis ang byahe namin ng walang problema. Habang paulit ulit kung pinakikinggan ang musika ay mag dadalawang oras na ako sa byahe. Isipin niyo Makati papuntang The Fort, almost two hours na. Medyo hindi na kinaya at mainit na ulo ko. Naisip ko na sana bilisan ni Manong driver ang pagmaneho para umabot kami sa distinasyon namin.

After almost two hours, nakarating ako sa Guadalupe kung saan sasakay pa ako ng isang jeep papuntang The Fort/Market Market. Medyo naiinis na ako sa mga oras na to. Late na nga ako, mainit pa, madaming tao, at badtrip puno ang mga jeep.

Nang makasakay ako ng jeep pa Market2x ay nag wish ako na sana matulin ang pag maneho ng driver. Ngunit nabigo ako dahil mabagal pa sa pagong ang byahe namin. Inis na inis na ako. Nakikita ko ang ibang jeep na humaharorot na sa pagmamaneho, pero ang driver namin na medyo sumisingkit na sa mata dahil siguro malabo na ang paningin ay parang antok lang kung magmaneho.

Sa kaloob looban ko ay gustong gusto ko na mabilis ang pagbyahe namin para makarating agad sa trabaho. Peor bigo talaga.

Inis na ako. Nagmumura na ang kalooban ko nang bigla isang pagsabog ang aking narinig.

Boom!

Bumangga ang jeep na humaharorot sa isa pang jeep na kasalubong nito.

Natulala ako. Para akong yelo na natutunaw sa kinauupuan ko. Hindi ko alam ang gagawin. Kitang kita ko ang pagbangga ng dalawang jeep. Malakas ang impact. Nakakagimbal.

Habang patuloy kami sa byahe ay naisip ko ang music na pinapakinggan ko... "Jesus Take The Wheel".

Nanalangin ako at nagpasalamat dahil sa kahit na ginusto ko na mabilis ang takbo ng jeep na sinkayan ko ay hindi parin hinayaan ng Panginoon na mangyari sa amin ang banggaan. Nanalangin ako na sana walang masamang nangyari sa mga pasahero ng jeep na nabangga.

Prayer really covers us from harm, it keeps us away from any danger. All things work together for good to those who believe.

Thank God I'm safe.

Update-update Din Pag May Time



Andaming update na nangyayari sa mundo, blog ko na lang ang wala pa.

May mga naihalal na pala na mga bagong Senador.

Patay na pala si Bella Flores.

Bumisit pala si Sarah Jessica Parker sa Pinas at nag ribbon cutting sa SM Aura.

Hiwalay na pala si Ai Ai Delas Alas at ang kanyang bagong asawa. Akalain mo yung kakakasal lang last month hiwalay agad?

Ang daming update sa mundo. Blog ko na lang ang wala pa.

Loser.

Ipagpaumanhin niyo po sa hindi ko pag update sa blog na ito. Naging busy lang po sa trabaho at mga bagay na kailangan bigyan ng pansin. Mahalagi sa akin ang blog na ito. Kaya kahit na busy ako sa buhay ko eh bumibisita pa din ako dito. At nagbobloghop din ako, di nga lang halata. UNA, dahil sa opisina ako ng boblog at naka block ang mga blog dito lalo na pag hindi naka dot com (haha..racist kasi IT namin dot com lang ang pwede bukas..joke!). PANGALAWA, pag nagplano ako mag blog sa bahay nakakatulugan ko na lang ang laptop nang hindi ko namalayan. Pagising ko , ayun umaga na. Kaya ipagpatawad niyo na po.

Dahil maraming update ang nangyayari sa mundo. Heto at mag update din ako sa buhay ko. Hindi lang ang mga sikat ang kailangan mag update. Hindi lang ang mga nasa telebisyon ang kailangan man update. Hindi rin ibig sabihin na dahil hindi ako sikat eh hindi ko na kailangan mag update. Kailangan ko mag update para sa mga taong nagmamahal sa akin at mahalaga sa akin at pinahahalagahan ko.

You deserve an update.

So ano nga ba ang bago sa akin?

Sa nakalipas na isang buwan ay heto ang mga nangyari sa buhay ko, sa harap at likod ng kamera.
  • May bago na akong work. Oo tama ang nabasa mo! may bago na ULIT akong work. Morning shift, 8AM-5PM, Bonifacio Global City. Astig diba? Goodbye BPO muna ako. Goodbye nightshift na din. Sana magtuloy-tuloy. At sana magtagal ako. Alam niyo na medyo may pagkainipin ako.
  • Bati na kami ng Bestfriend ko. Sa hindi nakakaalam may kunting pinagdaanan kami ng Bestfriend ko, pero ok na kami ngayon. Nag-uusap. Nagkakatext. Nagkikita paminsan-minsan. At least improving and were working things out.
  • Since sa Bonifacio Global City na ako nagwowork. Ayun new environment lang.
  • Araw at gabi ko nang binubuno ang traffic sa EDSA.
  • Nakaka experience na din ako ng walang work kapag holiday sa Pinas. Yehbah! Hahaha
  • ADJUSTMENT PERIOD. Dumaraan din sa adjustment period ang buhay ko. Mula pang gabing work hanggang sa pang umaga eh medyo nagkakaroon ako ng sleeping disorder. Pero ok na naman ako ngayon. Naka adjust na rin. Nahihirapan sa work - Tsek! Pero nakaya ko. I Survived! (Kwento ko na lang next time).
Sa mga nangyayari sa mundo at sa buhay ko recently, nagpapasalamat pa din ako sa mga taong patuloy na naniniwala sa akin at sa kakayahan ko. Sa pamilya ko na walang sawang nagdarasal sa kaligtasan ko at sa kalusugan ko. Sa mga taong nagmamahala sa akin...SALAMAT!

Promise po na maguupdate na ako ng blog (Sana mapanindigan ko). Baka kasi bawiin ang nagbabayad ng domain na ito. Hahaha. Sayang naman kung mawala.

Thank God and God bless everyone.

Keep blogging!

Thankful and Blessed



Hindi ako mahilig sa mga surprises. Ayaw ko ng sinosurprise ako kasi hindi rin naman ako mahilig mag surprise. Well may one point sa buhay ko na sinorpresa ko ang isang tao, pero sa huli ako ang na surprise ng bonggang-bongga. #nakakabadtrip #BrokenHearted #WasakAngPusoNiLastimak

Pero sadyang mapaglaro ang kapalaran at ang buhay ng tao ay parang isang gulong na umiikot (paki connect na lang!) Minsan kasi sinosurprise tayo ni Lord, lalo na kapag medyo siguro gusto niya na i-shake yung buhay natin ng kunti para magkaroon ng thrill at excitement.

Gaya na lamang ng trabaho ko. For the past three years, masyadong magulo na ang nakalista na mga company name sa resume ko, if not mahaba. Marami kasing offer sa akin (Lol... partly true). Bakit nga ba? Dahil na rin siguro ay palipat lipat ako ng pinapasukan at hindi ako kontento sa mga ginagawa ko. Aaminin ko madali ako ma bored sa isang bagay o trabaho lalo na kung routinary na ito plus dagdagan pa na mga taong nasa paligid mo na walang ginawa kundi inisin at gawing misirable ang buhay mo... (bato bato sa langit, ang matamaan..tanga!).

Seriously, masyado akong mainipin. Marahil na din siguro dahil hindi ko pa din nakukuha yung hinahanap ko sa isang trabaho. Ano yun? Di ko alam. Hinahanap ko pa nga diba? Haha

Well, sa totoo lang masaya naman ako sa mga napasukan kung company. Masaya kasama ang mga taong nakasalamuha ko na eventually naging kaibigan ko na rin. Kaso on a personal note, may mga bagay na hinahanap tayo gaya nang simpleng recognition sa ginawa mo trabaho, yung tipong na appreciate yung pagpasok mo sa work kahit doubleshift ka pa at kahit wala kang kain at tulog at ligo magawa mo lang nang maayos ang trabaho mo. Yung tipong nabibigyan ng karapatang bayad (lol) ang paghihirap na ginawa mo. Ganun naman talaga diba? Kaya nga tayo nagtatrabaho para may pera tayo. Sabihin na nating mukhang pera pakinggan ang sinabi ko pero dapat lang naman yun.

Pero hindi ito rant about sa work ko kundi pasasalamat sa biyayang pinagkaloob ni Lord. Inspite and despite of my own selfish decision, he still make all things beautiful and workable for me. Ganun siguro talaga magmahal si Lord. Right now, normal na ang buhay ko as in normal ang working hours ko. Na miss ko din kaya ang mag work sa umaga. Its been, I think, 5 years or more na ako nagwowork sa gabi. Gaya ayun! Haggardo Versoza ang itsura ko since then. Hahaha.

Anyways, Thank God for every blessings.

Ciao!


Need to start working na. #modelemployee

Where Art Thou Kulitis, The Podcast?

Remember Kulitis? 

Wala lang naalala ko lang siya. LOL.

Well, bigla ko lang naisip kung nasaan na siya at hindi na nakapag update ng blog niya na nakakatuwa. Nag blog hop kasi ako ngayon at bigla ako napadaan sa blog niya na Kulitis, The Podcast. Naalala ko lang na ako pala ang unang na feature sa blog niya. Nakakatuwang pakinggan at balikan lang.

Pero hindi talaga ako si Kulitis gaya ng haka-haka ng ibang blogger friends ko. Hindi ko siya kilala at hindi ko alam kung sino siya. Pramis!

Minsan napadpad ako sa lugar na Puerto Galera. Sa wakas nabigyan ng pagkakataon na makita ko siya at makilala. Kaya pala di na nag-uupdate ng podcast itong si Kulitis ehh naging bangkero pala siya. LOL. 

Ayaw niyo maniwala?

Heto ang ebedensiya....


Kaso di ko pa rin siya nakita sa bangka. Mailap lang talaga siya. Hahaha.

Peace to you Kulitis kung mababasa mo ito. Mag podcast ka na. Madami nang bagong kwento sa blog ko. LOL.

Ciao!

Run


CHAPTER 1 - STRANDED
CHAPTER 2 - TAKEN



"Wag kang mag-alala di kita pababayaan."

Yan ang mga salitang binitiwan ni Noel habang yakap-yakap si Andrea. Pilit iniiwasan ni Andrea ang mahigpit na yakap ni Noel ngunit nanaig sa kanya ang kaginhawaan at kapayapaan dahil sa mga yapos ng binata. Di na pumalag si Andrea at hinayaan na lang ang maikling oras na nalalabi. Naisip ni Andrea na baka yun na ang huling yakap ni Noel sa kanya..

Hindi mahirap mahalin ni Noel. Matalino, maalaga, at mabait. Noon pa man sa pinapasukan nila ay nakakitaan na siya ng kabaitan. Ngunit sa likod ng kanyang pinapakita ay tila may misteryong bumabalot sa kanyang pagkatao. Pakiramdam ni Andrea ay may mahalagang bagay siyang tinatago tungkol sa kanyang nakaraan. Walang nakakaalam kung saang probinsya siya nanggaling. Walang nakakapunta sa bahay na tinitirhan niya. At walang kahit na sino ang nakakakilala sa kanyang pamilya. Isang malaking palaisipan. Ngunit, baliwala na ang lahat. Hindi na mahalaga ang kung ano siya at ang tinatago niya. Ang mahalaga ay andyan siya.

"Kailangan na nating umalis habang mataas pa ang sikat ng araw. Mas malaki ang pag-asa na makaiwas sa mga Taong Gala."

Tumungo si Noel sa may pintuan at itinuon ang kanang kamay sa hawakan ng pinto habang ang isang kamay niya ay hawak-hawak ang kamay ni Andrea. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ni Andrea. Sinimulan ni Noel ikutin ang hawakan para buksan ang pinto. Tumingin ulit si Noel kay Andrea. Ngumiti si Andrea. Ngunit bago pa tuluyang buksan ni Noel ang pinto ay sinabi ni Andrea kay Noel na kahit ano man ang mangyari paglabas nila sa imbakan ay kailangan nil Noel na mabuhay. Kailangan niyang tumakas at lumayo. Kapag naging isa na si Andrea sa mga Taong Gala ay kailangan niyang tapusin ang buhay ni Andrea nang hindi ito makasakit ng iba at mahirapa pa. Nangako naman si Noel na gagawin niya iyon pero nangako din siya na hindi niya hahayaan na may masamang mangyari sa akin.

Binuksan ni Noel ng paunti-unti ang pintuan.Sinalubong sila ng maaliwalas na sikat ng araw. Masangsang ang amoy ng hanging ngunit maganda sa pakiramdam na tila ba umaalingawngaw ang pag-asa sa tuwing dumadampi ang malamig na hangin ng umaga.

Pinagmamasdan ni Noel ang paligid para siguraduhin na walang Taong Gala sa paligid.

Isang hakbang...dalawang hakbang... taklong hakbang... walang Taong Gala.

Inikot nila ang buong gusali at walang bakas ng Taong Gala sa paligid. Lumabas sila sa gusali at tinignan ang labasan. Walang kahit na anong kapahamakan silang naramdaman. Nakakabingi ang katahimikan.

"Noel, san tayo pupunta? May pagtataguan pa ba tayong ibang lugar?" Tanong ko sa kanya.

"May alam akong lugar ngunit di ako sigurado kung ligtas sa lugar na iyon."

"Sige ikaw na ang bahala. Basta kailangan natin bilisan para di tayo maabutan ng dilim."

Walang tigil ang kanilang pagtakbo. Pawisan. Pagod. Nakakauhaw. Ngunit hindi pwedeng huminto. Kailangan patuloy lang sa pagtakbo.

Mga tatlong oras silang paikot-ikot. Hindi nila alam ang lugar na dinaanan nila. Takbo lang ng takbo.  Narating nila ang isang pribadong ospital sa syudad. Huminto si Noel sa pagtakbo. Tinitigan ang buong gusali. May halong tuwa at lungkot ang kanyang mga mata. Binitiwan niya ang pagkakahawak sa kamay ni Andrea. Tinanong siya ni Andrea kung iyun ba ang lugar na sinasabi niya. Tumango siya. Parang malayo ang kanyang isip. Parang may mga ala-ala siyang pilit na binabalikan habang mahigpit ang titig sa ospital. Hinikayat niya si Andrea na pumasok sa loob. Kinabahan si Andrea.

"Noel, ayos ka lang ba?"

"Ha? Ah oo, ayos lang ako. Tara na pumasok na tayo."

Pagpasok nila sa ospital ay ramdam ni Andrea ang kaba at ang masangsang na amoy ay mas nagpatindi pa ng takot niya. Tumungo sila sa ikalawang palapag kung saan naroon ang Nursery Room. Dumungaw si Noel sa salamin na tila may hinahanap siya.

"Noel? Ayos ka lang ba talaga? Kanina ka pa balisa."

"Oo, ayos lang ako. Sinisigurado ko lang na walang Taong Gala dito. Mas mabuti nang mag-ingat tayo."

Habang patuloy sa pagtitig si Noel sa loob ng Nursery Room ay narinig nila na bumukas ang pinto sa kabilang kwarto. Agad pumasok si Noel at Andrea sa Nursery Room para magtago. Nakahanap sila ng matataguan, sa isang aparador sa bandang sulok ng kwarto. Papalapit ang Taong Gala sa aparador. Sumilip si Noel sa maliit ng butas at nakita niya ang Isang babaeng Gala. Naamoy sila nito. Pilit na binubuksan ng Gala ang aparador ngunit hindi ito mabuksan dahil mahigpit ang pagkakahawak ni Noel sa loob ng aparador. Nanginginig si Andrea. Niyakap siya ni Noel at bumulong na wag matakot. Tumigil ang Gala sa pagbukas ng pinto. Sumilip ulit si Noel sa butas. Nakita niya na nakatitig lang ang Gala sa isang kuna malapit sa aparador. Paminsan-minsan ay tumititig ang Gala sa aparador kung saan sila nagtatago. Inilapit ni Noel ang kanyang mga mata sa butas upang mas lalong usisain ang ginagawa ng Gala. Nilakihan niya ang kanyang mga mata para maaninag ng maayos ang itsura ng Gala. Bumitiw sa pagkayakap si Noel kay Andrea.

"Imposible!" Ang bulong ni Noel.

"Ano? Anong sabi mo?" Tanong ni Andrea.

"Andrea, ang babaeng Gala. Kilala ko siya. Hindi ito maari." Sambit ni Noel na may halong panginginig at sa pagkakataong iyon ay may luha siyang naaninag sa mga mata ni Noel.

"Ha? Sino? Pano? Sino siya?" Sunod-sunod na tanong ni Andrea.

"Kailangan ko siyang tulungan."

"Ano? Bakit? Baka delikado."

"Hindi! Tingnan mong mabuti ang Gala. Tignan mo ang kanyang mga mata. Hindi ito mukhang Gala. Normal ang kanyang mga mata. Marahil wala sa katinuan ang kanyang pagiisip pero sigurado ako hindi siya isa sa mga Gala. Wala akong nakikitang sugat sa kanyang mga kamay. Normal na tao ang babeng yan." Ang paliwanag ni Noel.


"Pano ka nakakasiguro na hindi Gala ang babaeng yan?"

"Alam ko, base sa kilos niya at mga mata. Hindi siya infected. Wala akong nakikitang sugat sa kahit saang parte ng katawan niya. Kalmado ang kanyang itsura. Hindi mabangis at hindi nagwawala.

"Pano mo alam ang mga senyales na yan?"

"Andrea, kailangan natin tulungan ang babaeng yan."

Sa pagkakataong ito naramdaman ni Andrea na buo ang loob ni Noel na lumabas sa aparador. Pinipilit pigilan ni Andrea si Noel. Mas mabuti nang hintayin nila makaalis ang Gala kesa mapahamak sila.

"Noel, baka mapahamak tayo kapag labas tayo. Ayaw ko may masamang mangyari sayo. Hintayin muna nating makaalis ang gala bago tayo labas."

"Ngunit kilala ko ang babaeng yan. Kilala ko siya."

"Noel..."

Bago pa man makapagsalita si Andrea ay binuksan ni Noel ang aparador at tumakbo ito palapit sa babaeng Gala.

"Claire?" Ang pangalang binanggit ni Noel.

Walang kibo ang Gala. Nakatitig pa din ito sa kuna ng bata. Pinagmasdan ni Andrea si Noel. Nanginginig ang katawan ni noel habang papalapit sa babae. Tumulo ang mga luha ni Noel habang dahan dahan itong papalapit sa babae. Binanggit ulit niya ang pangalan ng babae na may halong panginginig sa boses nito. Lumingon ang babae sa kanya. Dahan dahan itong lumapit sa kanya. Masama ang titig sa kanya. Tila hindi siya kilala ng babae.

"Ikaw...Ikaw...Ikaw... Takbo.. Ikaw.. Takbo.. Takbo.. Takbo.. Ikaw...?" Sunod-sunod na saad ng babae.

"Claire, please... Naririnig mo ba ako? Claire...Ikaw nga toh!"

Habang binabanggit ni Noel ang pangalan ng babae ay dahan dahan siyang lumalapit dito. Nang palapit na siya sa babae ay niyakap niya ito ng mahigpit. Walang tigil sa pagiyak si Noel habang ang babae naman ay patuloy pa rin sa pagsasalita ng mga salitang.. IKAW at TAKBO....

 Naguguluhan si Andrea kung sino si Claire sa buhay ni Noel. Hindi niya alam kung ano ang gagawin sa mga oras na iyon. Hindi niya alam kung ano ang nangyari kay Claire. Palaisipan sa kanyang ang katagang.. Ikaw at Takbo.


Itutuloy...

Alta Vista De Boracay Experience

It's summer time. Holy week is coming. And the best part is, its my birth month. How to spend all these?

A great vacation in the island of Boracay!

Boracay was recognized as the 2nd Best Beach in the world by TripAdvisor in its Travelers' Choice Awards 2011. It was also awarded the 2nd Best Island in Asia and 4th Worldwide by Travel + Leisure Magazine in the same year. 

And where's the best place to stay when in Boracay? Well... worry no more because I just found one of the cleanest and nicest place in the island - Alta Vista De Boracay



It is located on a 4-hectare prime property on the hillside. It's breathtaking view will surely capture your heart as the resort allows you to see its surrounding sea and mountains, regardless of where you are at the resort.




Usually, when I'm on vacation there are two things that I always consider specially when I'm looking for a place to stay. After all, vacation is to relax and to make yourself free from stress or worries from work and other stuff.


PRIVACY

Since the location of the resort is on a hillside, there is a 100% assurance that the place is not that crowded. I tell you, the location of the rooms are is noise proof. It's perfect for people who want to rest while looking at the beautiful sea and  mountains.





COMFORT & LUXURY

If you're looking for comfort, then there rooms are spacious and wide. Its great specially when you are traveling in groups. They have two types of rooms; one is the Loft, good for 6 people. And the Deluxe Room, maximum of 4 adults in a room. The bathrooms are also clean and all rooms have air conditioning, and balcony/lanai/terrace, cable television, coffee/tea maker, daily newspaper, two-queen sized beds, hairdryer, minibar, private toiler and bath, refrigerator, safe and telephone. They also have a spa and massage area, clean swimming pool, conference room which is good for company related meetings and activities.

Queen Sized Bed

Two-Queen Sized Bed (Hindi kasama ang room attendant...LOL)

Clean Bathroom/Lavatory

Living Room Couch (You can convert the couch as beds.. which I did)

Kitchen Area and the Upper part of the Loft going to the bedroom

The Living Room

Two-Queen Sized Bed (Perfect for Honeymoon? In Group? LOL)

Kitchen

Swimming Pool

Swimming Pool

Lobby going to the Ocean Mist Spa

Goods and Products for Sale

Ocean Mist Spa Frontdesk

Lobby going to the Spa/Massage Room

Massage Room





It was a pleasure staying in Alta Vista and an experience worth keeping. So what are you waiting for? Find your worry-free escape in Alta Vista de Boracay. Enjoy!


Room Rates:

Deluxe - Php 7,320 nett
Loft Suite - Php 10,980 nett

Room rate inclusive of Breakfast for two, Tax and Service Charge. Extra Person charge - Php 1,830 nett inclusive of Breakfast.

For Reservation:

Alta Vista de Boracay
Brgy, Yapak, Boracay Island
Malay, Aklan, Philippines 5608
Email: frontofficeAVB@yahoo.com
Tel: +63(36)288 9888

Manila Reservations Office
5th Floor DMCI Homes Corporation Center,
1321 Apolinario Street, Brgy. Bangkal,
Makati City, Philippines 1200
Email: peej_wo14@yahoo.com
+632.403.BORA (2672)

WEBSITE: www.altavistadeboracay.com.ph

Ang Damuhan, Ang BnP, at Ako

Nakakatuwang isipin na ang pinaghirapan mong kwento ay mapansin, purihin, at mabigyan ng karangalan lalong-lalo na kapag galing ito sa mga kapwa mo blogero. Sa totoo lang plastik kung sabihin ko na hindi ko naman hinangad na mabasa ng nakararami ang aking mga sinusulat sa blog na ito at hindi ko hinangad na sana ay maraming mag comment sa post ko, o di naman kaya ay purihin ang gawa ko. Kahit sino naman sigurong manunulat ay hinangad na mabasa ang pinaghirapan natin diba? Kaya Oo! Kailangan ko ang kunting awa niyo.. Mag comment naman kayo sa mga post ko. Utang na loob! Lol.

Kidding aside...(minsan lang ako magpatawa..Waley pa!)

Unang-una, personal blog ito; dapat ay patungkol sa sarili at sa mga kalokohan ko ang mga nakasulat dito. Pero gaya ng wika dynamic din ang utak ng isang tao. Pangalawa, hindi ako mahilig magsulat ng mga kwentong gaya ng entry ko. Marahil sa haba ng panahon ay nagbago na ang pamamaraan ng pagsusulat ng isang blogero. Gaya ko na hindi mahilig magsulat ng kwentong katha, masarap isipin na nabibigyan ng pagkakataon ang mga gaya ko na mailabas ang mga gusto kong isulat isa na dyan ay sa pamamagitan ng BnP (Bagsik ng Panitik). Sa taong ito ay sinubukan kung sumali. Ito ang unang pagkakataon na sumali ako, if I remember it right. Ang reason ko talaga bakit ako sumali ay para suportahan ang kaibigan kong si Bino. Hindi ko hinangad na manalo kasi madaming magagaling na sasali. At hindi naman siguro masama na magtry diba?

Well, hindi naman nasayang ang effort ko, kahit dumugo utak ko sa kakaisip ng konsepto para sa BnP dahil sa  pagtatapos ng Bagsik Ng Panitik 2013 ng Damuhan ay nailagay sa ika-sampung karangalan ang kwentong inilahok ko na pinamagatang,  

...drum roll please...

GINTONG BAKAL NA PLUMA. Akalain mo out of 49 entries, nakapasok pa ako at nailagay sa ika sampung pwesto. Astig diba?

Para patunayan ko sa inyo.. Heto ang badge bilang patotoo na nasungkit ko ang ika sampung karangalan.


Kitam? Naniniwala na kayo? Hindi ko gawa ito ha. Galing ito sa may-ari ng Damuhan na si Bino. Tanong niyo pa! Lol

At akalain mo din na may PART TWO ang inilahok ko na entry. Kung gusto niyo lang naman ipagpatuloy ang kwento ni Daina ay dito niyo mababasa yun... ELEMENTALIA: TRUTH

Ginaganahan na akong magsulat ng mga ganitong kwento. Kaya ipagpapatuloy ko ang pagsulat ng nga kwentong karumaldumal at kahindik hindik..Lol..Baka heto na ang chance ko na maging sikat at yumaman gaya ni Stephanie Meyer, J.K Rowling, etc. Nyahahaha!

Anyways, maraming salamat sa mga hurado ng BnP 2013 at mga bumubuo nito, salamat kay Bino at sa Damuhan, salamat sayo, ikaw na nagbabasa nitong thank you post ko. Higit sa lahat MARAMING SALAMAT KAY LORD! PRAISE GOD!

Hanggang dito na lang muna . Mahal ko kayo!!!

ELEMENTALIA: TRUTH


BASAHIN ANG UNANG BAHAGI - ELEMENTALIA: GINTONG BAKAL NA PLUMA


"Sampung mag-aaral... Apat doon ay mga kaibigan ko. Ni hindi ko alam kung buhay pa ang iba sa kanila" Bulong ni Daina habang nakatayo sa may bintana sa loob ng klinika.

Sa di kalayuan ay narinig niyang nag-uusap ang Nars at ang Doktor.

"Siya ba yung babaeng sinasabi nilang Mulato? Bakit pa kasi pinapahintulutan ang mga kagaya niya dito sa paaralan. Alam naman natin na mapanganib ang mapalapit sa kanila. Ang masama pa ay ako pa ang gumamot sa kanya. Dapat sa kanya ay hinayaan na lang para matahimik na tayong lahat."

"Alam mo naman na kahit sino ay tanggap sa eskwelahang ito. Walang pinipili mapa-tao, halimaw, o maging mga Mulato."

Sa narinig ni Daina ay hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng Nars pero alam niya na siya ang tinutukoy ng Nars ngunit hindi niya ito masyadong iniintindi dahil mas nanaig pa rin ang pagkalungkot at pagaalala sa mga taong kanyang nasaktan. Ngunit sa narinig niya ay may pagdududa na siya sa sarili. Sa tunay niyang pagkatao. Sa kakayahan niya... Sa kapangyarihang taglay niya.

Itinuon muli niya ang tingin sa labas ng bintana. Habang nakatitig siya ay may napansin siyang isang lalaking nakatingin sa kanyang tinatayuan. Lumapit si Daina sa bintana para titigan at usisain ang lalaki. Medyo pamilyar sa kanya ang postura at itsura ng lalaki. Matangkad ito, maputi at may kahabaan ang buhok, may suot na salamin at may pinta ang mukha. Hindi mawala sa isip ni Daina ang lalaking nakita niya sa kanyang panaginip. Ganun na ganun ang itsura ng lalaking bumuhat sa kanya. Binuksan ni Daina ang bintana para mas makita niya ng maayos ang lalaki ngunit sa kanyang pagbukas ay nawala na ito sa paningin niya.

Sa katabing kama kung saan nakahiga si Daina ay nagising ang kaibigang si Beca.

"Daina...?" 

"Beca, buti naman at nagising ka na. Nag-aalala ako sayo ng sobra. Akala ko kung napano ka na." Umiiyak na sambit ni Daina habang niyayakap ang kaibigan.

"Daina, anong nangyari sa buhok mo? Ngayon ko lang nakita ng ganito kahaba at magkahalong kulay lila at itim pa ang buhok mo. Parang kakaiba. Anong nangayari dito?" Pagtataka ni Beca.

"Ha? Ah ito ba, alam mo naman na mahilig ako maglagay ng kulay sa buhok ko diba?" Pagsisinungaling ni Daina. Kahit hindi rin niya maintindihan ang nangyayari sa pagbabago sa kanyang panlabas na kaanyuan. Alam niya na hindi lang yun ang nagbago sa itsura niya.

"Si Jethro naasan? Si Andrew? Yung iba.. Nasaan sila?" Pagaalala ni Beca.

"Bex, sorry... hindi ko alam. Wala akong balita sa kanila. Hindi ko alam kung buhay pa sila o kung ano na nangyari sa kanila."

"Ha? Ano ba ang nangyari? Wala akong maalala. Nasaan ba sila? Gusto ko sila makita."

"Patawad... Kasalanan ko ang..."

Bago pa matapos magsalita si Daina ay dumating ang Nars at sinabing sinusundo na si Beca ng kanyang mga magulang. Agad naman nagligpit nang gamit si Beca at nagpaalam kay Daina.

"Daina, magingat ka lagi. Pupuntahan kita mamaya sa bahay niyo ha. Kailangan natin mag-usap. May mahalagang bagay kang dapat malaman."

"Okay."

Sinabayan ni Daina si Beca na lumabas sa klinika nang may narinig siyang pamilyar na boses na nagsasalita sa silid ng punong guro. Nakita niya ang kanyang Ina na si Celestina na nagmamakaawa na wag tanggalin si Daina sa paaralan. Sa narinig niya ay mas ligtas siya kapag nanatili siya sa loob ng paaralan at mas mapalayo siya sa kapahamakan. Ngunit naging matigas ang sagot ng punong guro at ayaw nilang may iba pang masaktan sa mga susunod na araw. Sa kalaunan na pagpumilit ng Ina niya ay pumayag din na wag tanggalin ang dalaga sa paaralan ngunit kailangan muna niya magpahinga at magpagaling para maiwasan ulit ang isang sakuna. Sumang-ayon naman ang Ina niya na ikinatuwa nito.


Pagdating sa bahay ay agad na inutusan ni Celestina si Daina na ayusin at iligpit ang kanyang mga gamit at kailangan na nilang umalis agad. Ngunit bago pa man sila makapasok sa bahay ay isang lalaki na ang humarang sa may pinto. Bumilis ang tibok ng puso ni Daina dahil sa ang lalaking nakatayo sa harapan niya ay ang lalaking nakita niya nung nasa klinika pa siya. At siya din ang lalaking nasa panaginip niya.

"Ikaw?"

"Dain, gusto kong ipakilala sayo si Romano." Agad sambit ng kanyang Ina.

"Nay, kilala mo siya?" Pagtataka ni Daina.

"Oo anak. Matagal ko na siyang kilala. Bata ka pa lang ay kilala ko na siya. Marahil hindi mo siya natatandaan ngunit buong buhay mo kasama na natin siya."

"Ngunit bago ko ipaliwanag ang lahat ay kailangan na nating magmadali bago pa tayo maabutan ng mga Pintados." Pagpapatuloy ng kanyang Ina.

"Pintados? Ano yun?." Tanong ni Daina.

"Basta anak, saka ko na ipaliwanag ang lahat kapag ligtas ka na."

Ngunit bago pa man sila makapasok sa kanilang bahay ay dumating ang mga Pintados na agad sinalakay at hinuli sina Daina. Dahil sa may angking lakas at kapangyarihan si Romano ay agad niya tinulungan sina Daina. Binuhat niya ito at mabilis na tumakbo papalayo sa mga Pintados. Habang ang Ina ni Daina ay nagpaiwan at nagpahuli sa mga ito para na rin magakaroon ng pagkakataon na makalayo at makatakas sila Romano.

"Romano, yung nanay ko. Balikan natin." Pagmamakaawa ni Daina.

"Wag ka magalala sa kanya. Magiging okay din siya. Sa ngayon ay kailangan natin maakalis dito hindi na ligtas ang lugar na to para sayo."

"Sino ba ang mga yun? At bakit ganun ang itsura nila?" Tanong ni Daina.

Ang mga Pintados ay ang mga espiritu ng mga taong ikinulong sa kadiliman dahil na rin sa kasamaang kanilang ginawa noong nabubuhay pa sila. Ang mga itsura nila ay karaniwang kalahating tao at kalahating hayop. Minsan naman sila ay sumanib sa katawan ng mga hayop na kanilang inangkin. Ang mga Pintados ay mga alispures ni Diyosa Mayari, ang Diyosa ng Kadiliman at Buwan. Ang mga pintados ay may mga guhit na latin sa kanilang katawan at mukhang na iginuhit ni Diyosa Mayari para hindi sila makatakas sa kanilang pagkakakulong sa kadiliman

"Sila ang mga Pintados. Hindi sila mapagkakatiwalaan."

"Bakit nila ako hinahabol? Anong kasalanan ko sa kanila?"

"Malalaman mo din ang lahat kapag nakarating na tayo sa Santuwaryo. Doon masasagot lahat ng katanungan mo."

"Santuwaryo? Ano yun? At saan mo ba ako dadalhin? Hindi kita kilala kaya ibaba mo na ako.!"

Hindi kumibo si Romano at patuloy lang siya sa pagtakbo.


SANTUWARYO

Sa isang kalye na malayo sa kabihasnan dinala ni Romano si Daina. Sa isang lugar na hindi masyadong dinadayo ng mga tao, isang lumang gusali sa pagitan ng ika-apat and ika-anim na lansangan ang pinasok nila. Isang makipot na daan ang kanilang binaybay at sa dulo nito ay may isang matandang lalaki na nakaupo at nagbabantay. Tumango ang matandang lalaki ng makita si Romano; tanda ng pagbigay pugay sa binata.
 
Sa pinakadulo ng eskinita ay isang pang lumang hotel ang nakatayo. Halatang wala nang taong nakatira rito at abandunado na. Nagtataka si Daina dahil ngayon pa lang niya nakita ang lugar na kinatatayuan ng gusali. Napansin niya ang nakatambay sa labas ng hotel na may kakaibang itsura. Sa may pintuan ay may dalawang batang babae na masayang naglalaro. Amarilyo ang kulay ng balat ng dalawang bata, maliit ang mukha, may mapupulang mata at parehong nakasuot ng mahabang damit na magkahalong kulay itim at abo. Sa paglapit ni Daina sa dalawang bata ay nagiba ang hugis at itsura nito. Naging isang munting ada ang dalawang bata, mga isa o dalawang pulgada ang haba. Ang isang ada ay may pakpak na hugis dahon ng maple, mapupula at matingkad ngunit kumikinang sa tuwing pinapagaspas niya ito.Ang isang ada naman ay maputi na gaya ng niyebe. Ang pakpak nito ay hugis niyebe din ngunit kulay asul at kumikinang na parang kristal sa tuwing pinapagaspas niya ito. Masayang lumipad palayo ang dalawang ada habang papalapit si Daina sa kanila. 

Sa pagpasok nila sa lumang gusali ay lumuwa ang mata ni Daina sa kanyang nakita. Kakaiba ang itsura ng looban ng gusali kumpara sa labas na anyo nito. Mas maaliwalas at maliwanag ang looban ng gusali. Ang bawat sulok nito ay pinapailawan ng mga kristal na nakabitin sa pader. Ang itaas na bahagi naman ay pinapailawan ng nagliliyab na apoy na kung titingnan ay isang malaking Santelmo ngunit kulay asul ang apoy na nilalabas nito. 

Isang napakagandang babae ang sumalubong sa kanila. Si Vashti, isang babae na nagmula sa angkan ni Dal'Lang; ang dyosa ng kagandahan. Maputi ang balat, may mahaba at kulay kahel na buhok, at kulay berde ang mga mata. Hindi na nagtanong si Vashti kung sino ang kasama ni Romano. Nagbigay galang si Vashti kay Romano na may kasamang paglalandi. 

"Ikaw pala Romano. Ito na ba yung sinasabi nila na sasagip sa ating lahat? Hmmmm.. Mukhang wala sa itsura niya pero may kakaibang lakas akong nararamdaman sa kanya." Paglalandi ni Vashti kay Romano. 

"Andyan ba na si Haring Langitnon?" Tanong ni Romano.

"Oo kanina ka pa niya hinihintay. Nasa baba siya. Dumiretso na ka lang muna doon. Ako na ang bahala kay Daina."

"Sige, pakidala na lang muna siya sa kanyang kwarto sa itaas para makapagpahinga. Bigyan niyo na din nang makakain baka nagugutom siya."

"Daina, sumama ka muna sa akin akong bahala sayo. Kailangan mo muna magpalit ng damit at may kakaibang amoy ang suot mo" Sambit ni Vashti.

Dinala ni Vashti si Daina sa isang napakaling silid na may isang kama sa gitna. Isang malaking bote na naglalaman ng alitaptap ang nagbibigay liwanag sa silid. Dahil sa pagod ay humiga muna si Daina at nakatulog.


PAGMULAT SA KATOTOHANAN

Makalipas ang ilang oras ay isang katok ang gumising kay Daina. Binuksan niya ang pinto at laking tuwa niya nang makita niya ang Ina niya sa pintuan. Niyakap niya ito ng mahigpit at naluluha sa saya nang makitang buhay at ligtas ang kanyang Ina. Pinaliwanag ng kanyang Ina kung paano siya nakatakas sa mga Pintados. Ilang minuto pa ay dumating din si Romano sa kwarto at nakitang nagiiyakan ang dalawa. Hindi na sana isturbohin ni Romano ang dalawa ngunit nakita siya ni Celestina na pumasok sa kwarto kaya tinawag niya ito.

"Romano, andyan ka na pala."

"Nais na kayo makita ni Haring Langitnon. Naghihintay na siya sa silid niya."

"Inay sino si Haring Langitnon at bakit andito tayo? Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan natin magtago at bakit may humahabol sa akin. Hanggang ngayon ay hindi parin malinaw sa akin ang lahat." Pagtatanong ni Daina.

"Anak, bago tayo pumunta sa Hari ay nais ko munang malaman mo na kahit anong mangyari ay mahal na mahal kita. Wala akong hinangad kundi ang kaligayahan at kaligtasan mo. Ngunit kailangan mo nang malaman ang lahat tungkol sa pagkatao mo. Kailangan mo na din malaman ang pinanggalingan mo para narin sa kaligtasan mo."

"Kaligtasan? Bakit? May masama bang mangyayari sa akin? At sino ang gagawa sa akin ng masama? Ang mga Pintados na ang itsura ay gaya ng mga halimaw na napapanuod ko sa TV?" Sunod sunod na tanong ni Daina.

"Tama anak, ang mga halimaw na napapanuod mo sa TV ay totoo. Sila ang mga Tigbanwa, kalahating tao at kalahating engkanto. Ang dugong nananalaytay sa kanila ay purong dugo ng tao at busilak na dugo ng isang engkanto. Noong una pa man ay gusto na nila ng pantay na karapatan gaya ng sa tao. Ngunit mahirap para sa mga namumuno ng bansang ito ang bigyan sila ng parehong karapatan dahil na rin sa mga balitang nagsisimula mismo sa kanila ang kapahamakan at gulo." Paliwang ni Celestina.

"Gulo? Paano?"

"Noong unang panahon bago pa man sila lumantad sa mga tao ay nagkaroon na ng mga patayan at sakuna dahil na rin sa pagdumi ng isip ng mga Tigbanwa na kagagawan ni Mayari. Dahil sa galit at puot na kinimkim ng mga Tigbanwa ay nabahiran ng kasamaan ang puso at isipan nila. Hinaluan ni Mayari ang kanilang dugo ng dugo nga kadiliman na galing sa mismong dugo niya kaya naging halimaw ang mga itsura nila at nagkaroon ng kakaibang kapangyarihan at lakas. Tinawag niya ang kanyang mga alagad na Pintados, ang ang tanging sinusunod ay siya lang." Paliwanag ni Celestina.

"Daina, ang dugo na taglay mo ay hindi purong dugo ng tao. May halong dulo ito ng isang Tigbanwa. Ang dugong taglay mo ay dugo ng isang Aswang at busilak na dugo ng isang Diwata. Ang pagkakaiba mo sa kanila ay naging puro ang dugong Aswang na nananalaytay sayo kaya itsurang tao ka pa din at hindi kalahating hayop. 

Sa mahigit isang daang libong taon, ikaw pa lang ang ipinanganak na Mulato... ulit. Kaya nga siguro hinahabol ka ni Mayari dahil sa gusto niyang angkinin ka at gawing sandata." Ang mga Mulato ang isa sa pinaka makapangyarihang nilalang sa mundo ng Elementalia. Kapag hindi nagabayan ng maayos ang isang Mulato sa saktong edad nito ay maaring maging isang masamang Mulato ito na siyang wawasak sa mundo ng Elementalia." Pag-amin ni Celestina kay Daina.

"Ano? Isa akong Aswang?" Tanong ni Daina sa Ina.

Sa pagkakataong ito hindi makasagot ng diretso si Celestina kay Daina. Ayaw niyang sa kanya manggagaling ang ang katotohanan dahil na rin sa pagmamahal niya sa anak. Ngunit kailangan niya ipagtapat ang katotohanan para na rin maliwanagan siya sa lahat.

"Anak, ang totoo niyan ay hindi ako ang tunay mong Ina. Isa akong bantay. Ako ang inatasan na magbabantay sayo dito sa mundo ng mga tao. Isa akong Diwata. Kahit na inatasan ako para maging bantay mo ay minahal kita ng buong buhay ko. Anak kita dito sa mundo at ako ang iyong ina." Pagtatapat ni Celestina.

"Ano? Hindi totoo yan. Hindi ako naniniwala. Pero ung totoo man yan bakit hindi mo sinabi sa akin ang katotohanan?" Sagot ni Daina.

"Anak patawarin mo ako, pero kailangan ko itago sayo ang katotohanan para na rin sa iyong proteksyon at kaligtasan. Heto ang tamang panahon para malaman mo ang lahat. Nasa wastong gulang kana para pumili at piliin ang buhay na gusto mo." 

Hindi makapaniwala si Daina sa kanyang narinig. Ngayon lang niya naalala at napansin na kaya pala walang kupas ang ganda na taglay nang kanyang Ina ay dahil sa hindi ito tunay na tao. Kung ano ang itsura niya noong dalaga pa ito ay ganun pa rin ang itsura niya magpahanggang ngayon.

"Anak, mas mabuti kung malaman mo ang buong katotohanan kay Haring Langitnon."

"Oo nga Daina, mas mabuti pang puntahan na natin ang Hari para mas maintindihan mo ang lahat at para na rin malaman mo sa kanya mismo ang katotohanan at para na rin siguro makaharap mo ang taong matagal ka na gusto makita." Sambit ni Romano.

Palaisipan kay Daina ang sinabi ni Romano. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga narinig niya mula sa babae na inakala niyang kanyang totoong Ina. Ang buong akala niya na pangkaraniwang tao lang siya, isang simpleng babae na may pangarap sa buhay - ang umibig, ang magtagumpay bilang isang sikat na manunulat, ang maging mabuting anak sa kanyang ina, ang magkaroon ng sariling pamilya balang araw. Ang hindi alam ni Daina ay may mas malaking responsibilidad siya na dapat niyang gampanan sa mundo ng mga tao at sa mundo ng Elementalia.



Hanggang saan ang kayang tanggapin ni Daina?
Anong tulong ang maibibigay ni Haring Langitnon kay Daina?
Sino nga ba si Haring Langitnon? 


*****

Ang unang bahagi ng Kwentong ito ay nakakamit ng ikasampung karangalan sa Bagsik ng Panitik 2013 ng Damuhan. Salamat sa nagbasa at sa mga humusga sa patimpalak!

Waterfront Insular Hotel Davao | 60th Years in the Hotel Business

Waterfront Insular Hotel was built by a group of investors led by the Ayalas in 1960, it first opened on September 1, 1961 as Islandia Hotel...

Popular Posts